"Business contract(s) as usual"
by Donfelimon Poserio
Masaya, nagkasundo tayong dalawa
Nakanakaw ng oras para tayo magkita
Naglakad tayo, HHWWPSSP sa MOA
Holding Hands While Walking Pa-Sway-Sway-Pa
Kumain, naglaro sa amusement park ng shooting Ball
nag-deal na maglaban at ang matalo may pitik
mahilig ka sa Deal! Mahilig ka rin mamitik
Mahilig kang magpatalo dahil pagkatapos kong pitikan
ang kamao mo at mamula ay agad ko susundan ng halik
matatawa tayo sa ingay ng ating hagikhik sa kilig
Oo, napuna ko na mahilig ka sa deal!
Yung may maiisip kang kasunduan at dapat nating sundin
Kaya nung papalubog ang araw na tanaw sa dalampasigan
may tissue kang nilabas at sinulatan,
Tissue? natawa pa ko kung ba't sa tissue mo naisipang magsulat,
sabi mo, "since nasa MOA tayo,"
"gumawa na rin tayo ng MOA
as in Memorandum of Agreement"
Deal! kaya pumirma ka at pumirma rin ako,
Parang sa "Ako'y sayo at Ika'y sakin," na paboritong kanta mo
ang nakasulat: "Pag-aari mo lang ako at ikaw ay akin lang, pangako..."
Nagkasundo tayo at sa kasunduan ding ito
dito ko hinugot ang kasiguraduhan na sayo ibuhos ang lahat,
lahat-lahat ng pagmamahal ko,
Article 3 section 10, walang batas na dapat ipatupad
para sirain ang nasasaad
sa kontrata
KASUNDUAN. Walang palya ang pagsusundo ko sayo at paghatid...
Pinanghawakan ko
ang may pirma pa nating kontrata na bunga ng pag-ibig
Deal! napuna kong 'yan ang bukambibig
Kasi nga Business Ad ang tinapos mo...
kaya alam na alam mo ang tungkol sa aggreement, partnership,
business, products, investment, contract at deals!
Ang alam ko lang ata diyan e contract,
dahil isa yun sa plano ko sana
yung sabay tayong pipirma sa marriage contract sa kasal nating dalawa
forever partnership contract... sana,
kaso, bigla ka na lang nag-iba,
Kaso, trinatrangkaso ka madalas kaya
hindi ka na pwede makipag-meet
kaso, busy ka madalas dahil sa mga business trips
kaso, you never failed to forget our scheduled dates,
Ang dami mo ng atraso, pero
sa dami mong palya naunawaan kita, at inunawa ko
kahit gusto na nga kitang bigyan ng MEMO
yung Memo na ineendorso ni kuya Kim sa Matang Lawin,
Memo plus gold ata yun,
Oo, iyon, para sa isang tulad mong makakalimutin, sakto yun,
hindi naman kasi ito yung amnesia na dapat mabagok ka pa
o mauntog uli para makaalala,
wala kang amnesia,
ang problema mo ay ang di mo pagpapaalala sa akin,
ang problema mo ay nakalimutan mong meron kang boyfriend,
ang problema, ay may problema na pala
pero hindi mo man lang sinabi sa akin,
KONTRATA! Lagi kong naaalala noong pumunta tayo sa MOA
at doon ay gumawa ng kasunduang tayo lang dalawa
di ko alam... ang hindi ko alam na sa kontrata ay may iba pang pipirma
kala ko partnership yun,
ang gusto mo pala ay korporasyon
KONTRA-ta, kaya pala bigla na lang
na kahit alam mong
sa lahat ng mga plano ko ikaw ay nandoon
ay kontra ka nang kontra sa mga plano na 'yon para sating dalawa
dahil may ibang kasunduan ka palang inaalala...
kaya pala sabi mo noong minsang hinanapan kita ng sagot
kung sino kasama mo doon sa high class hotel,
sabi mo, "investor...
and the same time business mentor?"
sabi mo pa, "mind your own business nga," kaya... okay,
di na ko nag-imbestiga, dahil ang totoo, alam ko na,
Tumahimik ako at di na nagtanong pa,
kasi aminado ako, sa sinabi mong "mind your own business," ako'y napahiya.
Aaminin ko, mahina ang mind ko, dahil puso ang pinaiiral ko pagdating sayo
at wala din akong business, ang meron lang ako ay yung "Your Own,"
dahil doon sa MOA natin, naalala ko :
"Pag-aari mo lang ako at ikaw ay akin lang, pangako..."
kaso, hindi ka na rin pala sakin, at 'na-business-as-usual-zoned' lang ata ako.
KaSUNDOan, kaso may iba na palang lihim na nagsusundo sayo.
Naisip ko, pumunta rin kaya kayo sa MOA
at gumawa ng 'Memorandum Of Agreement' para naman sa inyong dalawa.
Putik! Pwede pala ako magsampa ng kaso
dahil sa pagbali mo ng kasunduan
nang may iba nang lihim na nagsusundo sayo,
kaso, di ko magagawa kasi mahal kita, mahal na mahal...
Napakasakit, may iba nang nagsusundo sayo,
hindi lang sundo pati hatid,
patawad kong naisip kong nagpapasunto't hatid ka na sa kanya
at siya na rin ata ang nagturo sayo na magbenta ng kalan-
kalandian, Oo nga pala, business Ad tinapos mo, sorry...
"No big deal..." ang lagi mong sinasabi't dinadahilan.
Sana, napaalala mo sakin,"Business as usual lang nga di ba?"
Lahat. Lahat ng iyon sa atin, NO BIG DEAL?!
Sige, gagamitin ko na rin ang term mo,
Alam mo, ang laki ng ininvest ko
kaya pakiramdam ko ang laki rin ng ikinalugi ko ngayon,
oras, lakas, pagmamahal, panahon
at wag na isama sa pagkwenta ang lahat ng ginawa
dahil kahit naman kwentahin pa, sa huli, lahat ng 'yon?
wala din naman palang kwenta't napala…
Pero sana, sana napaalala mo sakin,
"Expired na ang contract nating dalawa,"
(sana na-eexpired din agad ang sakit na nadarama, di ba?)
sana, sana napaalala mo sakin,
na ang pinagsulatan ng kasunduan,
na matagal-tagal ko ring pinanghawakan
ay walang tibay, hindi tumatagal at walang kasiguraduhan
dahil ang pinagsulatan natin ng kasunduan...
ay Tissue lang naman.
Tissue? naiiyak ako kung ba't sa tissue mo lang isinulat ang ating sumpaan!
Habang ako, sa puso ko yun itinatak
isinulat, inukit, at iningatan.
... pahingi na nga lang ng tissue,
Bad trip yang Tissue na yan!
'tong mga matang 'to naluluha na naman.
No comments:
Post a Comment